Friday, July 10, 2009

art review: kidlat gitara

Photobucket

kidlat gitara/ms paint/dotep/2008

Saturday, July 4, 2009

deathmatch

Photobucket

Monday, June 29, 2009

KAPAG PUNO NA ANG SALOP

araw ng maynila,

nagbabasaan,

nalagyan ng tubig ang tenga

umiyak.



bida: si jeyem
kontrabida: mga matatanda
producer: dotep
cameraman: dotep

Monday, June 22, 2009

art review: ang hirap ng walong trabaho


Photobucket


mahirap ang walang trabaho...
walang magawa. walang high tech na computer.

pangpalipas oras?

microsoft paint!

Wednesday, June 17, 2009

third eye blind

magpapahula ka?

-hulaan niyo po kung magpapahula ako!

-----------------------

natapos ang hulaan

-----------------------

bayad mo iho?

-ho? bakit ho?

hindi niyo po ba nahulaan?

anong nahulaan?

nahulaan na wala akong pang bayad.

-----------------------

pare yan o! member ng combo!!

ako? hindi ah!!

combo ka pare eh!!

hindi.. marunong lang ako mag-gitara pero di ako magaling..

combo ka pare!

hindi nga eh.

combo mangon tanghali na!!!

oo nga pala... ikaw din combo.

-----------------------


anong course mo?

BS BIO


o talaga!!

oo.

eh kamusta yung mga ka-BIO mo?

ha?

walang kameng kabayo.

-----------------------


pare magpapa-tattoo ako!

ows talaga?

ano ipapa-tattoo mo?

yung nakakatakot yung gusto ko!!

aba ayus yan pare!!

maganda diyan yung dragon o kaya dinosaur!!

hindi pare! yung mas-nakakatakot pa dun..

o talaga! ano?

ghost pare!

-----------------------

pare naalala mo yung pina-tattoo ko?

o bakit?

heto na pare! bagong bago!

nasan?

yan o!

nasan?

heto o!

ha? wala naman eh...

ghost nga pare eh!

may third eye ka ba?

wala!
-----------------------


Friday, June 12, 2009

flag

Photobucket

independence day

Photobucket

Wednesday, June 3, 2009

AB CD



abakada - florante (cover by boyong)

A-Ba-Ka-Da, E-Ga-Ha-I-La,

Ma-Na-Ng-O-Pa,

Ra-Sa-Ta-U-Wa-Ya

A - Ang mag-aral ay gintong tunay

Ba - Bagay na dapat pagsikapan

Ka - Karunungan ay kailangan lang

Da - Dunong ay gamot sa kamangmangan

E - Ewan ang sagot kapag hindi alam

Ga - Gagat gago ay yaong mga hangal

Ha - Hahayaan bang ikay magkagayon

I - Iwasan mo habang may pagkakataon

La - Labis-labis ang mapapala

Ma - Magsikhay ka lang sa pag-aaral

Na - Nasa guro ang wastong landas

Nga - Ngayoy sikapin mong ito ang mabagtas

O - Oras na upang ikaw ay magising

Pa - Pansinin mo ang dako na madilim

Ra - Rehas ng mga tanong ay sagutin

Sa - Sabihin mong ikaw ay may alam na rin

Ta - Tatalino ang bawat isa

U - Unawain lang at turuan

Wa - Wiwikain ang Abakada

Ya - Yaman at gabay sa kaunlaran


Thursday, May 28, 2009

songhits (RUDY V)



mga ala-una o alas dos na siguro yan ng umaga,
lasing na parepareho...

tahimik na yung kalye!




eh nakakita ng songhits si rudy...


dotep: rudy kanta ka na!

rudy: maya... memorize ko pa lyrics...

dotep: wag na, masOK yang hawak mo yung songhits para natural!

rudy: ganun ba?

dotep: oo pare! pasikat ka na sa youtube!

rudy: sige! game!



Tuesday, May 19, 2009

gasgas

sa wakas!! biyernes na!!!
sabado na bukas!!

-ha? bakit anong meron? eh araw araw ka namang walang pasok ah?

wala! wala lang... feel ko lang sabihin...

--------------

naku!!!

-bakit?

lunes na naman bukas!!!

-ha? may pasok ka?

wala lang... lunes eh..

--------------

nagiinuman ng miyerkules!

naku po!!! miyerkules pa lang pala ngayun!!
ibig sabihin huwebes pa lang bukas!!!
umiinom pa rin tayo! gabi na!!

-gago... pare-pareho tayung walang pasok! tambay kaya...

oo nga.

--------------

dotep: uy jeyem bago tsinelas mo ah?

jeyem(7y/o): oo, havaianas yan!

dotep: ganun, peke naman yan eh!

jeyem: anung peke! original kaya yan! umiilaw nga sa dilim yan eh!

dotep: umiilaw? di naman eh!!!

jeyem: tignan mo yung tatak!!

dotep: aba! glow in the dark! peke pa rin yan! tag-bente pesos lang yan!

jeyem: anung bente ka diyan! 975 kaya yan!

dotep: aba! kabisado mo pa presyo ah!

jeyem: siyempre! orig yan eh...

dotep: eh nasan na yung crocs mo?

jeyem: wala na! luma na eh...

dotep: ano ba masgusto mo? crocs o havaianas?

jeyem: havaianas!

dotep: sus! ngayun ka lang nagkaroon ng ganyan eh!!

jeyem: pake mo...



kinabukasan



dotep: uy jeyem bakit di mo suot havaianas mo?

jeyem: di ko sinusuot yun pag tumatakbo ako, panglakad ko lang yun...

dotep: bakit naman?

jeyem: baka magasgas eh, tsaka baka pagalitan ako ni mama..

dotep: ngek... eh di wala ding kwenta yun..

jeyem: pag alam ko kasing tatakbo ako di ko isusuot yun..

dotep: eh paano kung tumatawid ka ng kalsada tapos suot mo havaianas mo, tapos masasagasaan ka na?

jeyem: tatakbo na ko!

dotep: masisira havaianas mo!!

jeyem: hindi masisira yun kung konting takbo lang!!

dotep: ganon?


Tuesday, May 12, 2009

s-rated

Photobucket
240 plus episodes na ko ng detective conan,
9 movies na napanood ko...
200 plus episodes more to go,
4 movies pa..

nawalan ako ng pitaka, may lamang 400 pesos,
ang aking natitirang allowance,
kasamang nawala ang lisensya ko na tumagal naman sa akin
ng 20 days simula nung nakuha ko sa PRC..




----------------------------

dotep: napagaralan niyo na ba singular plural?

jeyem: yung may S?

dotep: oo!

jeyem: dali dali lang nun eh...

dotep: sige nga, ano tawag mo kapag madaming aso?

jeyem: dogs!

dotep: kapag madaming pusa?

jeyem: pusses!

dotep: ano?

----------------------------



Thursday, May 7, 2009

RUDY V (hataw na)

hindi po lingid sa ating kaalaman na hindi lang pagkanta ang talento ni gary v,
magaling din po siyang sumayaw! at bilang isang masugid na tagahanga ni gary v,



si rudy...



hataw na!





kung iniisip niyo po kung anong klaseng sayaw yan,
ganyan po sumayaw ang mga tsikas sa beerhouse...
ganyang ganyan po... sana po ay may natutunan kayong moves!

Saturday, May 2, 2009

RUDY V

si rudy po ay isang caretaker ng apartment/building na kapitbahay namin, na madalas naming makainuman..

minsang nagkainuman kame sa building na kanyang binabantayan... at nalasing siyempre...

eh GAYA NG DATI kapag nalalasing yan hinahanap hanap niya si gary v,
kaya naman habang lasing! nakumbinsi ko siya na sumalang sa camera...

kung si gary v po ay kailangan ng insulin sa katawan
si RUDY po alak lang po... pwede na...




ewan ko ba kung bakit paborito ng mga manginginom mga kanta ni gary v
kahit ako nahilig lang kay gary v nung naging manginginom na din ako eh,

Friday, April 24, 2009

anong tawag mo dun?

kagabi habang nagiinuman kame, nakita ko yung anak ni boyong, si pato.

hoy pato, lika dito! lika! pakibili mo naman ako ng tatlong marlboro lights,
dalawang pisong kendi, tapos dalawang mani pangpulutan... ok? bilisan mo ha?


habang papalayu yung bata, sumigaw siya.. ano nga yun?

sumagot ako, tatlong marlboro lights, dalawang pisong kendi, tapos dalawang mani!!

sumagot ulit siya, anong kendi?? maxx??

tapos sinagot ko ulit, halls!!


mayamaya pa, nilapag niya sa mesa yung 5 pisong maxx kendi,
2 marlboro red, 2 mukang mani na pagkain pero hindi mani...


tawanan yung mga nagiinuman sabay sabing "ayos ah! tumama lahat ah!"

------------------------------------------------------------


bigla ko tuloy naalala at nakwento sa mga kainuman yung mga kalokohan ko nung nasa elementarya pa ko...

bale teacher kasi mommy ko sa isang public elementary school, doon din ako nagaral sa school na yun...
at isang araw pinatawag niya ako sa klase niya...

pinuntahan ko naman.. grade 2 kasi tinuturuan niya eh, eh grade 6 na din ako nun...

pagpasok ko sa klase niya, inutusan ako...

mommy: "kunin mo nga yung salamin ko sa bahay"

dotep: ang layu! uuwi pa ako..

mommy: sige na.. kailangan ko dito eh..

dotep: ok po..

ginawa ko, nagsama pa ako ng kaklase ko pauwi sa bahay para kunin yung salamin,
kasi medyo malayu din yung lalakarin eh...

nakabalik na ko sa school, at nakangiti..
iniisip kong humingi ng dagdag baon kasi inutusan ako ng pagkalayu-layu eh..


dotep: heto po!

mommy: ano yan??????????????!!!!!!!

dotep: salamin po..

mommy: kung hindi ka ba naman.. tsk...

dotep: ...

mommy: yung salamin! yung sinusuot sa mata, hindi yung salamin para sa muka!

dotep: ahh...

iniisip ko nun nasayang yung pagod ko, kasi binaklas ko pa sa banyo namin yung salamin na yun...

Photobucket


------------------------------------------------------------


isa pa...

lunchbreak sa school... grade 6 lang din yata ako nun,
nakita ako nung mga teachers... tinawag ako at lumapit..

sabi nung isang teacher, anak ibili mo naman kame ng ulam!

sabi ko, "yes po ma'am!"

teacher: bumili ka sa palengke, kahit anong karne..

dotep: po? kahit ano pong karne?

teacher: oo, heto 50 pesos ibili mo lahat yan...

dotep: ok po, alis na po ako...

teacher: ingat ka sa pagtawid anak ha!

dotep: opo!

pumunta ako sa palengke, nakabalik ulit ng nakangiti kasi nasunod ko ang inutos sa akin.

dotep: ma'am heto na po!

Photobucket

teacher: ano yan!!!!

dotep: ma'am?

teacher: ulam! yung karne! yung luto na!

dotep: ma'am, sabi niyo ma'am karne eh... hindi ko naman alam eh...

teacher: susmaryosep...

hindi ko naman sinasadya... malay ko ba.. hindi naman ako nagpapatawa!
nung nangyari yun,
sumunod lang ako sa utos...

------------------------------------------------------------

nakakatuwa lang maalala yung mga ganung bagay tapos ikwekwento mo sa inuman...
tawa, tawa, tawa, tawa, halakhak.... hanggang sa malasing ang gabi....

tapos ang kwento.

Saturday, April 18, 2009

ice candy

habang tahimik ang gabi at nakaupo ako sa harap ng bahay..
may nakita akong batang tumatakbo at mabilis na dumaan sa aking harapan..


dotep: pssst!!!!

.

.

.

maya maya pa...


jeyem: bakit kuya joseph?

dotep: wala!

jeyem: ...



dotep: bakasyon niyo na?

jeyem: oo, pero may pasok pa ko..

dotep: ha? bakit ka pa may pasok eh bakasyon niyo na?

jeyem: hindi... sa english lang...

dotep: bakit? bagsak ka?

jeyem: hindi... may magtuturo sakin para 1st honor na ko sa susunod...

dotep: 1st honor? eh wala ka nga kahit sa top10...

jeyem: ......


dotep: ako na lang magturo sayu!!!

jeyem: hindi pwede!!! mag-eerkon (aircon) kame bukas, habang tinuturuan ako..

dotep: aba sosyal... sige nga! testing!! kung marunong ka,
para di sayang yung aircon... ano ang tagalog ng aircon?

jeyem: ahhhh.... meron ba nun?

dotep: meron, isipin mo...

jeyem: ...

dotep: ano?

jeyem: electric fan!!!!!

dotep: hahahahaha!!!

jeyem: eh ano?

dotep: anung ano? tama ka naman eh!!!

jeyem: eh bakit ka tumatawa?

dotep: wala lang.. bakit masama?

jeyem: ....


------------------------------


dotep: magkano ba baon mo sa isang araw?

jeyem: 100!!!

dotep: laki naman!!! dati ako limang piso lang!!!

jeyem: hinde... joke lang, 20 lang... iniipon ko yung bente bente...

dotep: kahit na! malaki pa rin yun... meryenda ko nga dati, ice candy lang!

jeyem: ice candy? ice candy ka diyan...

dotep: oo nga... piso lang yun eh...

jeyem: kaya pala di ka tumataba.

dotep: ano????? di kaya!!! masustansya kaya yun!

jeyem: hindi kaya...

dotep: ano ba flavors nun?

jeyem: mga prutas!!!

dotep: eh di masustansya yun!!! di ba masustansya ang prutas?

jeyem: oo, pero masama pag ice candy lang ng ice candy lagi lagi...

dotep: hindi, madami namang vitamins yun eh...

jeyem: dapat kakain din ng bekstabols..

dotep: eh meron din namang ice candy na flavor eh bekstabols??

jeyem: wala kaya!!!

dotep: meron!!!

jeyem: wala!!!

dotep: meron!!!

jeyem: wala.

dotep: meron.


------------------------------


dotep: jeyem sino ang paborito mong basketbol player?

jeyem: si....... jm....

dotep: sino yun??? laos na yun eh...

jeyem: ikaw sino ang paborito mo?

dotep: si joseph! magaling yun!!

jeyem: laos na din yun eh!!!

------------------------------

dotep: ikaw jeyem, iyakin ka eh no? konting sugat lang umiiyak ka na!!

jeyem: di kaya!!!

dotep: eh bakit ka umiiyak???

jeyem: kasi papagalitan ako ni mama eh...

dotep: bakit ka pinapagalitan?

jeyem: ....

dotep: masungit mama mo eh no?

jeyem: di kaya!!!

dotep: pinapalo ka ba ng papa mo?

jeyem: hinde!!!!

dotep: eh yung mama mo?

jeyem: oo, pero di ibig sabihin nun masungit mama ko!!!

dotep: bakit naman?

jeyem: eh kaya ako pinapalo nun kasi mahal ako nun...




wapak!!!

pinalo ko sa pwet!!!




dotep: o pinalo kita!!! ibig sabihin mahal din kita...

jeyem: hinde!!! kasi pinapalo lang naman pag may kasalanan para magbabago na sa susunod..

dotep: pag may ginawa kang kasalanan papaluin kita!!???

jeyem: ok lang.

dotep: wehhhh??? di nga?

------------------------------

Tuesday, April 14, 2009

art review: art attack

Photobucket
huwag po kuya
dotep

ms paint


hanep, kadadating ko lang galing sa probinsya...
mula pagdating ko dun hanggang sa pagalis, walang kuryente..
apat o mga limang araw din akong nandun,
langhiyang brownout yan, uso pa rin pala yun...
kapag madilim tuloy naiisip ko linyang "wag po koya"
baka kasi may biglang sumulpot sa dilim na kung ano.. tsk,

pero sulit, masaya naman kapag brownout..
yun yung mga oras na maaaliw ka sa talaga sa liwanag ng buwan...
walang ibang liwanag na nakadapo sa paligid kundi yun lang...