Linggo, Enero 18 2009

cesar asar

baboy! baboy!

eh ikaw butiki! butiki! muka kang butiki!

petrang kabayo! petrang kabayo!

bata pa tayo mga legends na din tayo kung ituring... may kanya-kanya tayong mga alyas/bansag...

sa mga kalaro mo malapit sa bahay niyo, sa mga kalaro mo sa kabilang kalye, sa mga kalaro mo hanggang sa paaralan kilalang kilala ka sa alyas na ibinigay sayo ng mga kaibigan mong mga buwisit. Sisimangot ka sa una, susundan ng pagpatak ng luha tapos biglang mababasag ang katahimikan sa malakas mong iyak na dinig hanggang kapitbahay.



Yung isang kaibigan mo kung tawagin eh BUTIKI kasi patpatin, yung isa naman BABOY o BIIK, PETRANG-KABAYO ang tawag sa batang takbuhin at mukang kabayo o baklang bata, unggoy naman ang bansag sa mga batang medyo pangit talaga sa paningin ng kanilang mga kalaro (wala tayong magagawa kung pangit ka talaga), uhugin ang alyas mo kapag may malinamnam na mucus na laging naglalaro sa iyong mga ilong, may mga batang mutant na malaki ang tenga kaya kung tawagin sila ay DAGA o DODING DAGA, meron namang malalaki ang ngipin sa harap at sila naman ang mga kalahi ni BUGS BUNNY, muka kang PALAKA! ang tawag sayo kasi muka ka talaga sigurong palaka sa paningin ng mga batang kalaro, kung medyo malaking bulas ka malamang BAKA o KALABAW ang alyas mo, KAMBING naman kung masyado kang maingay, MANOK kung ikaw ay matatakutin, BULATE kung masyado kang malikot at medyo muka ka talagang bulate, kung duling ka naman eh DULING lang talaga ang tawag sa sayo. AT MADAMI PANG IBA.

mga batang kalaro ko na natatandaan ko pa hanggang ngayon ang kani-kanilang mga bansag/alyas o pang-asar.

joseph baboy (ako yun, nung bata pa ako kasi ubod ako ng taba)
joseph butiki (ako din yun, nung high school ako kasi payatot na ko)
erning lamok
debrang kabayo
emon mamon
edlyn palaka
edlyn manok
julius baka
jason kalabaw (tawag ko sa isa kong kuya, nung bata kasi ako at high school siya eh hindi siya naglalaba ng pantalon at laging nakasabit lang kaya mukang mabaho eh kasi uso ang grunge look noong 90's)
eron bansot
paul tae (batang nakatae sa upuan)
mae kambing
jeffrey kapre
erik hangin (bata pa lang mahangin na)
ian bulok
rommel kulot
lyn tabaBOY
joy paltat
ann mamag
avegay unggoy
raquel iyakin
ann ann panghi
joel adik
rhea kulangot
kambal tuko
erik manok
yan lang sa ngayun ang natatandaan ko eh. siguro kapag nakita ko sila madadagdan pa, at kapag nakikita ko pa din naman mga kalaro ko dati tinatawag ko pa rin naman sila sa mga alyas/bansag nila.


kasama lahat ng yan sa pagkabata, hindi ka aalis sa pagiging bata kung hanggang ngayun naaasar ka parin.



isa lang naman ang batas niyan sa kalye.

ASAR-TALO.





ikaw ano alyas/bansag sayo?



aasarin ko din kayo! behlat!

14 komWento:

eli ayon kay ...

ok ang mga bansag na yan ah. naalala ko si boy putok at si fermin tigas. hehe

ako nun ang tawag sa akin, eli kalapati!

choco ayon kay ...

hahaha! nilagay pa talaga ang pangalan..kulang nlng ung surname nila.hahah! Yari ka talaga Dotep pag nlaman yan nila..hahah!

~hndi ko na maalala eh kasi madami..wahahah! ang natandaan ko lng is Martian. gawin bakong alien..hnde nman alien mukha ko..grrr!

revsiopao ayon kay ...

bilib naman ako sa memory mo sa mga bansag ng mga kababata mo.

at talagang naka-publish na silang lahat ngayon. ha ha ha! {sana nagbabasa sila ng blog mo. lagot ka!}

sasabihin ko sana ang pang-asar sa akin... kaya lang baka ma-broadcast din ako dito. ano bale? he he.

hang khulet ng post na 'to!

yhen1027 ayon kay ...

wala akong maalalang ganyan... hehe.. magrerecall nga ako...

utoysaves ayon kay ...

wow, naranasan mo pala ang dalawang body size? paano ka nagpapayat, dotep?

ako nun, ang tawag sa akin,
utoy tenga
kasi... gwapo ako sobra.

o, o, o, wag nang tingnan ang picture ko for signs.

God bless!

markey ayon kay ...

nakakatawa.... nalala ko talaga yang mga tawagan ng ganyan ng elementary...

cyndirellaz ayon kay ...

ahahahaha! ayokong sabihin! bleh!!! mamaya asarin mo din ako eh. basta!! ehehe!!

Meryl ayon kay ...

Napakasaklap naman ng mga bansag na 'yan! Hahaha. Ako - TARAY ang tawag sa akin nung bata. Hahaha. Pero friendly na naman ako ngayon eh, no? Hahahaha.

vanvan ayon kay ...

hindi kumpleto ung childhood pag walang nekneknames...

hayop mga imaginations natin noon noh..

abe mulong caracas ayon kay ...

hinahanap ko yung pangalan ko.

inulit ko pa nga ang pagbasa ko eh, napapakamot pa nga nang hindi ko talaga makita.

sabi ko na nga ba eh, hindi tayo magkalaro nung bata pa tayo kasi inaayaw nyo ko kasi amoy luga daw ako! (yaaaaaaaaaaaaaak)

Dyilyan O. ayon kay ...

tawag sakin dati, "eight" kasi pang eight daw ako sa seven dwarfs ni snow white ang sweet nila diba? ndi kasi uso dati na sa pangalan ka tinatwag, usually sa surname diba? haha

hindi rin naman ako masyado maasar kasi nanununtok ako =)) lalo na yung mga loloko lokong classmates ko dati hehe

eliment ayon kay ...

asaran moment!!!!

dotep atep, lumabas ka jan! tumbang preso na tayo!

ayaw mo ba? gasgas ba ang tsinelas mo ha dotep atep? lol

yin ayon kay ...

sa amin madalas na tukso sa mga bata ngayon eh yung pangalan ng nanay/tatay mo.. hindi ako tinutukso noon kasi namamato ako hahaha.. ang pwede lang manukso sa kin mga pinsan/tropa ko.. bakit ko sasabihin kung ano? hehehe..

eloiski ayon kay ...

hakhak
tawag sa akin dati payatot
kawayan, coke in can
takteng term yan!
hakhak!