anong tawag mo dun?
kagabi habang nagiinuman kame, nakita ko yung anak ni boyong, si pato.
hoy pato, lika dito! lika! pakibili mo naman ako ng tatlong marlboro lights,
dalawang pisong kendi, tapos dalawang mani pangpulutan... ok? bilisan mo ha?
habang papalayu yung bata, sumigaw siya.. ano nga yun?
sumagot ako, tatlong marlboro lights, dalawang pisong kendi, tapos dalawang mani!!
sumagot ulit siya, anong kendi?? maxx??
tapos sinagot ko ulit, halls!!
mayamaya pa, nilapag niya sa mesa yung 5 pisong maxx kendi,
2 marlboro red, 2 mukang mani na pagkain pero hindi mani...
tawanan yung mga nagiinuman sabay sabing "ayos ah! tumama lahat ah!"
------------------------------------------------------------
bigla ko tuloy naalala at nakwento sa mga kainuman yung mga kalokohan ko nung nasa elementarya pa ko...
bale teacher kasi mommy ko sa isang public elementary school, doon din ako nagaral sa school na yun...
at isang araw pinatawag niya ako sa klase niya...
pinuntahan ko naman.. grade 2 kasi tinuturuan niya eh, eh grade 6 na din ako nun...
pagpasok ko sa klase niya, inutusan ako...
mommy: "kunin mo nga yung salamin ko sa bahay"
dotep: ang layu! uuwi pa ako..
mommy: sige na.. kailangan ko dito eh..
dotep: ok po..
ginawa ko, nagsama pa ako ng kaklase ko pauwi sa bahay para kunin yung salamin,
kasi medyo malayu din yung lalakarin eh...
nakabalik na ko sa school, at nakangiti..
iniisip kong humingi ng dagdag baon kasi inutusan ako ng pagkalayu-layu eh..
dotep: heto po!
mommy: ano yan??????????????!!!!!!!
dotep: salamin po..
mommy: kung hindi ka ba naman.. tsk...
dotep: ...
mommy: yung salamin! yung sinusuot sa mata, hindi yung salamin para sa muka!
dotep: ahh...
iniisip ko nun nasayang yung pagod ko, kasi binaklas ko pa sa banyo namin yung salamin na yun...
------------------------------------------------------------
isa pa...
lunchbreak sa school... grade 6 lang din yata ako nun,
nakita ako nung mga teachers... tinawag ako at lumapit..
sabi nung isang teacher, anak ibili mo naman kame ng ulam!
sabi ko, "yes po ma'am!"
teacher: bumili ka sa palengke, kahit anong karne..
dotep: po? kahit ano pong karne?
teacher: oo, heto 50 pesos ibili mo lahat yan...
dotep: ok po, alis na po ako...
teacher: ingat ka sa pagtawid anak ha!
dotep: opo!
pumunta ako sa palengke, nakabalik ulit ng nakangiti kasi nasunod ko ang inutos sa akin.
dotep: ma'am heto na po!
teacher: ano yan!!!!
dotep: ma'am?
teacher: ulam! yung karne! yung luto na!
dotep: ma'am, sabi niyo ma'am karne eh... hindi ko naman alam eh...
teacher: susmaryosep...
hindi ko naman sinasadya... malay ko ba.. hindi naman ako nagpapatawa!
nung nangyari yun, sumunod lang ako sa utos...
------------------------------------------------------------
nakakatuwa lang maalala yung mga ganung bagay tapos ikwekwento mo sa inuman...
tawa, tawa, tawa, tawa, halakhak.... hanggang sa malasing ang gabi....
tapos ang kwento.

7 komWento:
hahaha daming ganyang kwento...magdagdag lang ako pare
sa inuman din, nasa bukid kami noon sa bahay ng barkada ko. nag iinuman. pampaalis suya, nagpabili din kami ng kendi.
inutusan namin si papay na pinsan ng barkada ko. tinanong din niya kung anong kendi, sabi namin kahit anong kendi
ayun pagbalik niya may dalang iced candy...kasalanan namin. sabi kasi namin kahit anong kendi eh!
wahahahaha! nakakatwa ka ah! anyway may mga ganyan talagang moments!!
hehehe. pero dun sa mga teacher mo eh parang tama ka dun TANgA sila magutos. karne talaga at sa palengke pa??? ano ang iisipin ng bata eh di hindi pa luto...
tama nga naman. sinunod mo lang mga utos nila. lesson learned? sa susunod, be specific. nyahaha!
hahaha ang kulit... literal daw bang inintindi ang mga bagay bagay...
mapapatawad naman kc bata mainis ka kapag matanda na tapos literal pa rin ang pagkaunwa... hehe....
pwahaa.. parang adik lang e no? pag-bata tlga hirap utusan either nangaasar o tlgang engots lang :)) parang ako lang. haha
bwisit! ang kulit!
ang saya siguro makinig sa usapan nyo!
baka mamamatay na ako sa kakatawa!
Mag-post ng isang Puna