Martes, Abril 07 2009

natapos ang tatsulok, tuldok naman.




tuldok - asin

Ang tuldok ay may salaysay at may kahulugan
Na dapat mapansin at maintindihan
Kahit sino ka man ay dapat malaman
Na dito sa mundo ikaw ay tuldok lang

Kahit na ang araw sa kalangitan
Siya ay tuldok lamang sa kalawakan
Lahat ng bagay ay tuldok ang pinanggalingan
At kung masdang mabuti, tuldok ang uuwian

Tingnan mong mabuti ang 'sang katauhan
Maraming nag-aaway, tuldok lang ang dahilan
Sa aking nakita, ako'y natawa lang
'Pagkat ang nangyayari'y malaking kahibangan

Kaya wala kang dapat na ipagmayabang
Na ikaw ay mautak at maraming alam
Dahil kung susuriin at ating iisipin
Katulad ng lahat, ikaw ay tuldok rin





sana pumasok to sa lahat ng isipan ng mga pulitiko, mayayaman,
mayayabang, makapangyarihan at maaangas...
semana santa pa naman... :)

tuldok lang tayung lahat...


tuldok.

6 komWento:

walongbote ayon kay ...

naks nagdadasal ka na ah.. este tumutula ka na.. hehehe.. sana nga dila lang lahat naipapahayag sa blogging, naririnig din sana tayo..

karmi ayon kay ...

tuldok.

sana nga, matamaan ang dapat tamaan. *ouch* hehe :)

have a blessed weekend sir dotep :)

mulong ayon kay ...

isa ang kantang ito kung bakit hindi pinapayagang maibenta ang mga plaka ng asin noong panahon ng martial law. underground market ang naging paraan nila para mailabas ang kanilang mga kanta!

punky ayon kay ...

galing!

eli ayon kay ...

gusto ko ang mga kanta ng asin. ang sarap basahin ang pagitan ng bawat linya ng kanta nila.

ZAO ayon kay ...

tyak yon! AMEN!

haha!