baboy! baboy!
eh ikaw butiki! butiki! muka kang butiki!
petrang kabayo! petrang kabayo!
bata pa tayo mga legends na din tayo kung ituring... may kanya-kanya tayong mga alyas/bansag...
sa mga kalaro mo malapit sa bahay niyo, sa mga kalaro mo sa kabilang kalye, sa mga kalaro mo hanggang sa paaralan kilalang kilala ka sa alyas na ibinigay sayo ng mga kaibigan mong mga buwisit. Sisimangot ka sa una, susundan ng pagpatak ng luha tapos biglang mababasag ang katahimikan sa malakas mong iyak na dinig hanggang kapitbahay.
Yung isang kaibigan mo kung tawagin eh BUTIKI kasi patpatin, yung isa naman BABOY o BIIK, PETRANG-KABAYO ang tawag sa batang takbuhin at mukang kabayo o baklang bata, unggoy naman ang bansag sa mga batang medyo pangit talaga sa paningin ng kanilang mga kalaro (wala tayong magagawa kung pangit ka talaga), uhugin ang alyas mo kapag may malinamnam na mucus na laging naglalaro sa iyong mga ilong, may mga batang mutant na malaki ang tenga kaya kung tawagin sila ay DAGA o DODING DAGA, meron namang malalaki ang ngipin sa harap at sila naman ang mga kalahi ni BUGS BUNNY, muka kang PALAKA! ang tawag sayo kasi muka ka talaga sigurong palaka sa paningin ng mga batang kalaro, kung medyo malaking bulas ka malamang BAKA o KALABAW ang alyas mo, KAMBING naman kung masyado kang maingay, MANOK kung ikaw ay matatakutin, BULATE kung masyado kang malikot at medyo muka ka talagang bulate, kung duling ka naman eh DULING lang talaga ang tawag sa sayo. AT MADAMI PANG IBA.
mga batang kalaro ko na natatandaan ko pa hanggang ngayon ang kani-kanilang mga bansag/alyas o pang-asar.
joseph baboy (ako yun, nung bata pa ako kasi ubod ako ng taba)
joseph butiki (ako din yun, nung high school ako kasi payatot na ko)
erning lamok
debrang kabayo
emon mamon
edlyn palaka
edlyn manok
julius baka
jason kalabaw (tawag ko sa isa kong kuya, nung bata kasi ako at high school siya eh hindi siya naglalaba ng pantalon at laging nakasabit lang kaya mukang mabaho eh kasi uso ang grunge look noong 90's)
eron bansot
paul tae (batang nakatae sa upuan)
mae kambing
jeffrey kapre
erik hangin (bata pa lang mahangin na)
ian bulok
rommel kulot
lyn tabaBOY
joy paltat
ann mamag
avegay unggoy
raquel iyakin
ann ann panghi
joel adik
rhea kulangot
kambal tuko
erik manok
yan lang sa ngayun ang natatandaan ko eh. siguro kapag nakita ko sila madadagdan pa, at kapag nakikita ko pa din naman mga kalaro ko dati tinatawag ko pa rin naman sila sa mga alyas/bansag nila.
kasama lahat ng yan sa pagkabata, hindi ka aalis sa pagiging bata kung hanggang ngayun naaasar ka parin.
isa lang naman ang batas niyan sa kalye.
ASAR-TALO.
ikaw ano alyas/bansag sayo?
aasarin ko din kayo! behlat!