Huwebes, Mayo 28 2009

songhits (RUDY V)



mga ala-una o alas dos na siguro yan ng umaga,
lasing na parepareho...

tahimik na yung kalye!




eh nakakita ng songhits si rudy...


dotep: rudy kanta ka na!

rudy: maya... memorize ko pa lyrics...

dotep: wag na, masOK yang hawak mo yung songhits para natural!

rudy: ganun ba?

dotep: oo pare! pasikat ka na sa youtube!

rudy: sige! game!



Martes, Mayo 19 2009

gasgas

sa wakas!! biyernes na!!!
sabado na bukas!!

-ha? bakit anong meron? eh araw araw ka namang walang pasok ah?

wala! wala lang... feel ko lang sabihin...

--------------

naku!!!

-bakit?

lunes na naman bukas!!!

-ha? may pasok ka?

wala lang... lunes eh..

--------------

nagiinuman ng miyerkules!

naku po!!! miyerkules pa lang pala ngayun!!
ibig sabihin huwebes pa lang bukas!!!
umiinom pa rin tayo! gabi na!!

-gago... pare-pareho tayung walang pasok! tambay kaya...

oo nga.

--------------

dotep: uy jeyem bago tsinelas mo ah?

jeyem(7y/o): oo, havaianas yan!

dotep: ganun, peke naman yan eh!

jeyem: anung peke! original kaya yan! umiilaw nga sa dilim yan eh!

dotep: umiilaw? di naman eh!!!

jeyem: tignan mo yung tatak!!

dotep: aba! glow in the dark! peke pa rin yan! tag-bente pesos lang yan!

jeyem: anung bente ka diyan! 975 kaya yan!

dotep: aba! kabisado mo pa presyo ah!

jeyem: siyempre! orig yan eh...

dotep: eh nasan na yung crocs mo?

jeyem: wala na! luma na eh...

dotep: ano ba masgusto mo? crocs o havaianas?

jeyem: havaianas!

dotep: sus! ngayun ka lang nagkaroon ng ganyan eh!!

jeyem: pake mo...



kinabukasan



dotep: uy jeyem bakit di mo suot havaianas mo?

jeyem: di ko sinusuot yun pag tumatakbo ako, panglakad ko lang yun...

dotep: bakit naman?

jeyem: baka magasgas eh, tsaka baka pagalitan ako ni mama..

dotep: ngek... eh di wala ding kwenta yun..

jeyem: pag alam ko kasing tatakbo ako di ko isusuot yun..

dotep: eh paano kung tumatawid ka ng kalsada tapos suot mo havaianas mo, tapos masasagasaan ka na?

jeyem: tatakbo na ko!

dotep: masisira havaianas mo!!

jeyem: hindi masisira yun kung konting takbo lang!!

dotep: ganon?


Martes, Mayo 12 2009

s-rated

Photobucket
240 plus episodes na ko ng detective conan,
9 movies na napanood ko...
200 plus episodes more to go,
4 movies pa..

nawalan ako ng pitaka, may lamang 400 pesos,
ang aking natitirang allowance,
kasamang nawala ang lisensya ko na tumagal naman sa akin
ng 20 days simula nung nakuha ko sa PRC..




----------------------------

dotep: napagaralan niyo na ba singular plural?

jeyem: yung may S?

dotep: oo!

jeyem: dali dali lang nun eh...

dotep: sige nga, ano tawag mo kapag madaming aso?

jeyem: dogs!

dotep: kapag madaming pusa?

jeyem: pusses!

dotep: ano?

----------------------------



Huwebes, Mayo 07 2009

RUDY V (hataw na)

hindi po lingid sa ating kaalaman na hindi lang pagkanta ang talento ni gary v,
magaling din po siyang sumayaw! at bilang isang masugid na tagahanga ni gary v,



si rudy...



hataw na!





kung iniisip niyo po kung anong klaseng sayaw yan,
ganyan po sumayaw ang mga tsikas sa beerhouse...
ganyang ganyan po... sana po ay may natutunan kayong moves!

Sabado, Mayo 02 2009

RUDY V

si rudy po ay isang caretaker ng apartment/building na kapitbahay namin, na madalas naming makainuman..

minsang nagkainuman kame sa building na kanyang binabantayan... at nalasing siyempre...

eh GAYA NG DATI kapag nalalasing yan hinahanap hanap niya si gary v,
kaya naman habang lasing! nakumbinsi ko siya na sumalang sa camera...

kung si gary v po ay kailangan ng insulin sa katawan
si RUDY po alak lang po... pwede na...




ewan ko ba kung bakit paborito ng mga manginginom mga kanta ni gary v
kahit ako nahilig lang kay gary v nung naging manginginom na din ako eh,