Linggo, Agosto 30 2009
Huwebes, Agosto 20 2009
art review: pssssst.

pssst.
bakit? tawag mo ko?
hindi, may butiki.
Lunes, Agosto 10 2009
pulutan
batman: pare ikaw na!!!
ironman: ako na? ang bilis mo namang magtagay!
batman: baka gabihin ako eh.
ironman: bakit? sanay ka namang napupuyat ah...
batman: may curfew sa barangay eh.
ironman: sabagay, baka mahuli ka...
darna: wala na bang pulutan??!!
ironman: wala na, tsaka wala tayung pera ngayun..
lastikman: sus! ikaw pa ironman! ang yaman mo kaya..
darna: oo nga! oo nga!
ironman: nakalimutan ko wallet ko sa bahay,
bakit di na lang ikaw batman! mayaman ka din!
batman: nagtitipid ako ngayun, krisis eh! pasensya na kasi taghirap talaga
wala ngang gas yung batmobile,
lastikman: aba aba!! lalo na ako! wala akong pera,
tsaka walang superherong pinoy na mayaman!
darna: wag niyong sabihing ako pa ang bibili!!!?, ako na nga lang ang babae dito.
ang titigas ng muka niyo! kaya pala nakamaskara kayung tatlo!
batman: easy lang! wala naman kameng sinabing ikaw ang bibili ah!
lastikman: oo nga! iluwa mo na lang yang bato mo tapos lunukin mo ulit...
batman: haha!
darna: pagbubuhul-buhulin kita diyan lastikman eh!
ironman: teka teka! ganito na lang! tutal sanay tayong magulpi ng mga kalaban
natin at matiisin naman tayo. tiisin na lang natin!
lastikman: nagsalita ang mayaman! sige na kasi, maglabas ka na diyan..
manlalambot ako pag walang pulutan.
ironman: ogag! dati ka nang malambot!
darna: benta na lang natin maskara mo ironman sa magbabakal!!!
ironman: kayo talagang mga pinoy o! hinde puwede! may sentimental value sakin to!
batman: hayyyyyyy... wala na ding alak mga pre!
darna: di nga?
batman: oo nga! kaka-debate natin sa pulutan, naubos na alak.
lastikman: ok na yan, next time na lang ulit.
ironman: oo nga! superheroes tayo! nakakahiya pag nasobrahan tayo
at nahuli ng mga lespu..
darna: sabagay.
batman: sige, goodnight mga tsong! text text na lang.
lastikman, ironman, darna: ok.
Lunes, Agosto 03 2009
fanboys
para sa mga fans nila, kung meron man!
yun eh kung meron lang naman...
baka lang!
malay natin, may mga nanonood na aliens na kahit di nila maintindihan
eh natuwa sila at naging fans...
salamat sa inyo kung meron man!
