cheesy

since 2006

batman: mga tsong!
ironman: ang tagal mo naman! kanina pa kame naghihintay dito
darna: oo nga!
batman: pasensya na... tinanghali ako ng gising eh... napuyat ako kagabi..
darna: sus, tara na! malalate tayo!
batman: teka lang, nasan si lastikman?
ironman: wala eh, di makakasama, natapilok daw! ayun napilayan.
batman: di nga? baka lasing lang yun..
darna: hayaan mo na yun... plastik yung hayup na yun eh.. ayaw yata tayung kasama
ironman: san ba tayo pupunta?
batman: kahit saang may job opening!
darna: teka, teka.. anu ba balak niyong applyan?
ironman: nagiisip pa nga ko eh.. tingin mo ano kaya pwede sakin?
darna: magapply ka na lang na waiter!
ironman: ayaw ko nun, baka makasapak pa ko ng makulet na customer..
batman: choosy mo naman tol!
ironman: sa ayaw ko nga eh, bat ikaw ano ba applyan mo?
batman: di ko pa din alam eh...
darna: mag-call center ka na lang, tutal sanay ka namang magpuyat...
batman: di ako pwede dun eh, malat boses ko eh...
darna: anak ng, eh di gawan mo ng paraan!
batman: init naman ng ulo mo! may regla ka ba?
darna: meron bakit?
ironman: eew!
darna: anong eew ka diyan!!!
ironman: di ba hindi ka naman nagpapalit ng panty?
darna: anak ng, anu akala mo sakin? mahirap?
batman: uy wag kayu mag-away mga tsong, heto darna may dala akong batpantyliner..
ironman: bading ka? meron ka nun?
batman: for emergency purposes lang tol, meron nga ako dito batcondoms eh...
ironman: talaga? penge ako! ok yan!
darna: kadiri kayung dalawa! laswa niyo!
batman: o sige tama na nga, tara na habang maaga pa!
ironman: teka lang... ikaw ba darna anu balak mong applyan?
darna: promodizer!
batman: hmmm? ng panty?
darna: hindi gago!
ironman: dun na lang tayu magapply sa ortigas, may kakilala ako dun!
batman: aba ok yun, para sama sama tayu sa trabaho!
darna: dapat kanina mo pa sinabi!
batman: anu bang kumpanya yung sa kakilala mo?
ironman: advertising company!
darna: uy sosyal yan! like ko yan!
batman: oo nga tsong, medyo may artistic side pa naman ako..
ironman: di natin kailangan ng artistic chuva dun!
batman: ha? bakit? anu ba trabaho natin dun?
ironman: magkakabit ng mga tarpaulin sa mga matataas na building!
darna: cheap naman.
batman: pwede na yun kesa wala!
darna: hay...
santino: mga bro!
batman: uy mga tsong! si santino!
darna: bakit bro?
santino: gusto niyo ng trabaho mga bro?
ironman: oo naman! may alam ka bro?
santino: meron mga bro! madali lang at malaki pa sweldo mga bro!
batman: anong trabaho yun bro?
santino: bale business siya mga bro! konting puhunan lang!
batman: ok naman ba kita diyan bro?
santino: oo bro, isang araw lang bawi agad puhunan! may tubo pa!
darna: aba ok yan bro! hulog ka ng langit bro!
ironman: ano bang business yan bro?
santino: kukuha lang tayo pwesto sa quiapo at magbebenta ng dvds mga bro!
batman: original?
santino: japeks lang mga bro! malakas kita dun bro!
darna: ang tigas mo bro! kalapit lang ng Quiapo church yun! di ka na nahiya...
batman: wala na, tinanghali na tayu kakausap dito.. hindi na tayu makaka-apply niyan..
ironman: tara, uwian na...
darna: ciao!
santino: paano ako mga bro?
kung ang bahay nyo ay wala sa malalaki at mga sikat na subdivisions,
malamang madalas niyo marinig ang kantang ito sa mga batang nangangaroling!
minsan nga nakakaasar na kapag paulit-ulit at pabalik-balik yung batang kumakanta.
binigyan mo tapos babalik kinabukasan, wag mong bigyan pero mang-aasar pa..
pero wala tayung magagawa, bata sila eh... kaligayahan nila yun, dapat irespeto.
kaya kung sawa ka na, pakinggan mo na lang itong version ni boyong!
para maiba naman...