boxing trilogy (Prequel)
dumating ako sa bahay, dame nagiinuman sa baba ng bahay.
sa pagod, di na ko uminom kahit pinapatagay ako, umakyat na lang ako sa kuwarto.
lumipas ang oras, umulan, tumigil at hanggang sa matapos ang mga nagiinuman sa baba ng bahay.
hindi ako makatulog, bumaba ako at nakita ko na may apat pang bote na natira..
walang yelo, kaya naman bumili pa ako ng yelo sa labas at yosi na din..
bago ako lumabas ng bahay nakita ko si pacman nakahiga dun sa sofa na gawa sa kawayan.
yayayain ko sanang uminom kaso inisip ko na lasing na kaya di ko inistorbo,
bumili na ako ng yelo at nakabalik na sa bahay,
sinisimulan ko nang uminom nang dumating ang pinsan kong galing trabaho sa 7-11,
(ang trabaho kung saan apat na oras lamang ang duty?)
simula ka bumilang sa alas-siete!
8, 9, 10, 11.. mula 7 hanggang 11.
apat na oras.. hehe
nagiinuman na kameng magpinsan, tapos ginising niya si pacman,
sabi ko wag na niya gisingin pero makulit din pinsan ko kaya't ginising na niya.
akala ko naman lasing na si pacman,
hindi niya din pala naabutan yung mga nagiinuman kanina,
nagkataon lang na dun siya nakatulog sa amin...
kaya sabay-sabay lang kameng iinom..
inuman na kameng tatlo,
kwentuhan,
tawanan,
konting asaran,
pero madalas ang kwento nakatutok kay pacman.
mabilis kasi malasing tsaka makulit..
sabi ni pacman samin, mayaman na daw sana siya kung di siya nagbibeerhouse.
yung mga kinikita niya daw kasi minsan sa pagpipintura ng kotse eh dinederetso
niya sa beerhouse...
nakwento niya din nung bagong salta siya sa maynila..
nakwento niya samin yung 1st time niyang sumakay ng escalator,
at siya'y nataranta ng husto sa pagsakay dito.
nakwento niya samin kung paano siya unang uminom sa drinking fountain,
at imbes na sa bibig pumasok ang tubig, pumasok sa ilong niya.
nabitin kame sa apat na bote kaya naman bumili pa kame ng dalawang red horse mucho.
tuloy ang inuman, maskumulit ang mga kwentuhan...
wala kameng pulutan kaya mabilis ang amats...
malapit-lapit na matapos ang inuman, medyo tumahimik ng konti..
napagod kakakwento, kakatawa...
biglang bumanat si pacman!
pacman: naniniwala ka sa multo?
dotep: hindi, wala pa akong nakikita eh..
pacman: may multo diyan, (sabay turo sa pintuan ng banyo namin)
kinilabutan ako konti, pati yung pinsan ko...
sabi ko sa sarili ko, may mga tao nga sigurong may third eye.
dotep: di nga? may multo diyan???
pacman: gusto mo kausapin ko eh?
biglang tumayo si pacman at pumunta sa pinto ng banyo,
kaso paliko-liko na yung lakad niya...
biglang nagsalita mag-isa, kala mo may kinakausap eh wala naman...
pacman: pasensya na po kayo, ngayun lang po ako iinom ulet... ngayon lang.
tawa kame ng tawa ng pinsan ko,
dotep: hayup ka pacman, matatakot na sana ako eh... lasing ka!
pacman: hinde, kausap ko biyenan ko.. simula kasi nung namatay yun lagi ako sinusundan.
dotep: eh bakit ka naman susundan nun?
pacman: pinagbabawalan akong uminom...
hindi ko talaga kinaya si pacman, nalasing din ako kaya nauna na akong umakyat at natulog.
naiwan silang dalawa ng pinsan ko na umiinom hanggang sa matapos.
kinabukasan...
nasa sahig na si pacman nakahandusay,
binilangan,
bumangon,
at nagtanong..
pacman: bakit kaya ako nahulog sa higaan?
dotep: tinulak ka ng biyenan mo...
pacman: ha?
dotep: may naisip akong sideline manny,
pacman: ano yun?
dotep: pag may mga taong gustong kumausap sa mga patay nila pwede ka nila lapitan!
pacman: lasing lang ako gago...

