Linggo, Nobyembre 22 2009

20 days

Photobucket

dotep.manny.jowel.lory.richard.janine.jojo.RR.bernard.michelle.
jonel.lanylyn.danny.veronica.william.liza.yoni.glenn.elena.jolo.


august, september, october at november na, mag-aapat na buwan na

din akong nagtuturo sa tesda,
underpaid pero masaya kasi masarap magturo, sobrang sarap...





nakatanga lang ako nun, nakatambay, tapos inaya ako na mag-enrol sa tesda.
graphics daw, kaya sumama ako..

naging studyante sa loob ng isang buwan tapos kinuhang OJT instructor,
pagtapos ng isang buwan ginawang assistant instructor,
tapos ngayon senior instructor at may sarili na kong klase.




masarap makita na may natutunan yung mga taong tinuruan mo at nage-enjoy sila..

yung retrato sa taas, sila yung una kong klase bilang senior instructor kaya sobrang espesyal
nila sa akin... sila din yung klase na sobrang dali kong natandaan mga pangalan.

noong huwebes lang sila grumadweyt, ang bilis ng 20 days..
nagplano na lumabas pagkatapos ng graduation kaso may mga hindi makakasama,
kasi hindi naman lahat may pira.


kaya nag-party na lang kame sa room after grad, christmas party.
maaga pa para dun, pero pwede na rin... 5 years na din yata akong hindi
nakaka-attend ng christmas party, palibhasa yung mga nakaraang christmas party
samen puro inuman lang...

nagpalitan ng regalo, yung halagang 50 pesos lang.
para afford ng lahat...
syempre may konting salo-salo,
palaro, at party hats.

natapos ang araw, nagpalitan ng mensahe,
masaya na malungkot
may umiyak.


sa tesda, ibat-ibang estudyante na din nahawakan ko.
merong mahirap, sobrang mahirap, makulit, tambay, pulis, sundalo, carwash boy, matanda, muslim, kristiyano,
mga nanay, tatay, mag-ama, magkapatid, estudyante, rockers, magka-kaibigan, bading, tibo,
singer, dancer, mga mukang goons at madami pang iba.

pero lahat naman sila OK! masarap makihalo,



ang hindi nila alam,

masmadami ako natutunan sa buhay sa kanila

kaysa dun sa natutunan nila sa akin sa mga itinuturo ko.

salamat mga tsong.

Miyerkules, Nobyembre 18 2009

art review: saykedelik

Photobucket


busy days,
kapag may konting pahinga,
microsoft paint.