Miyerkules, Mayo 05 2010

gulong ng buhay

Photobucket

gulong ng buhay
.ep photography
canon 450d
kit lens


bago pa yung camera, at baguhan pa din ako.
nag-prapraktis pa lang...

prinapraktis ko yung camera nung makita yung bata sa harap ng bahay,
nanonood sa naglalaro chess kahit hindi niya naiintindihan yung laro...

siguro nagpapahinga siya pagkatapos niyang pagulungin ng pagulungin yung hawak niyang gulong.


dotep: pssst! tingin ka sakin!

bata: ?

dotep: (pindot sa camera!)

Sabado, Mayo 01 2010

501 (rookie season)

mayo uno ngayon,

at ngayon din ako nakabili ng DSLR. (canon 450d)
kanina lang, pagkatapos ng daang-gabing paghihintay..



sa wakas.


papasukin ko ang karera ng retratista,
madami pang pagaaralan,
madami pang gagawin,

mukang magastos, pero pagtiyatiyagaan
hindi na muna ako mage-extra rice...

sana palarin,
sana may mapala.

mage-enroll ako sa eskwelahan ng mga retratista.
gagawa ako ng photoblog.

magtatayo ako ng rush id shop!
(hindi pala, cheap daw yon!)

bahala na si cameraman!
(batman pala.)