monadero

since 2006



badtrip.
lalo na kapag ang pera mo 50 pesos na lang,
tapos nawala pa.
parang kailan lang buo pa yung 500 pesos ko,
iba na talaga panahon ngayon...
kapag nabaryahan na yung 500 peso bill eh
parang ice-cream na lang na ang bilis matunaw.
may natira ngang 50 pesos, nawala pa.
badtrip talaga.
wala na kong pang-playstation.
ang sarap pa naman durugin ng lakers sa NBA2K10.
too bad.
sana yung pera natin parang aratiles lang..
nakakalat.
kapag kailangan mo pwede mo pitasin agad.

kung natatandaan niyo pa si takure, ang balimbing na takureng nagsasalita na may kakayahang
maglakbay sa iba't ibang panahon sa anime na timequest na palabas sa IBC 13 noon.. malamang maintindahan niyo ako.
gusto kong maglakbay pabalik sa panahon, tatlong taon pabalik sa nakaraan.
taong 2007, ika-5 ng Hunyo.
yung araw na yun yata ang isa sa pinakamasayang araw ko sa planet earth.
after 20 years ng buhay ko eh, dun lang sa araw na yun natuto akong magbisikleta.
naa-alala ko pa nung unti-unti nang umaandar yung bisikleta tapos nararamdaman ko
na yung hangin habang bumibilis yung andar... sarap nun pre!
sobrang gaan ng pakiramdam... akala ko hindi na darating yung araw na yun...
sana nga kailangan na din ng driver's license mula sa LTO kapag nagmamaneho ka ng bike,
para naman magkaroon na ako ng isa. bisikleta lang kaya ang kong imaneho
at tsaka bump car nga pala.
3 taon na nakakaraan at natuto na kong magbisikleta.
pero wala pa ring nararating hanggang ngayon.
kailan kaya tayo mapapadaan sa expressway?