Sabado, Hulyo 31 2010

proven siya!

andito ako sa probinsya ng isabela ngayun,
isang linggo na ko dito..
napauwi ako kasi may sakit si ermats
at magaling na siya ulit.. :)

masarap dito,
mainit nga lang ang panahon..
simple lang ang buhay..
masarap ang pagkain...

palakang bukid, dinakdakan, adobong pato etcetera..
tapos gabi-gabi umiinom ng gin..

habang nandito ako, iniisip ko na mga gagawin ko pagbalik ulit ng maynila.

maghahanap ng trabaho!
aayusin tong blog..
post-processing ng mga retrato na kinunan ko dito..
papanoodin ko yung tanya markova..
lalaban yung mga naiwan kong damit dun..
atibapa...

masarap dito.. pumuputok yung mga ideas ko dito..
kaso wala nga lang gamit.. kaya sa maynila ko na gagawin..

Huwebes, Hulyo 22 2010

batman

mahilig ako sa black and white pictures..


Photobucket

at ang impluwensiya ko ay si BATMAN.

Photobucket

Sa kanya ko kasi unang nakita ang art ng black and white.

Photobucket

Salamat batman!

Photobucket

Isa kang tunay na Inspirasyon!

Miyerkules, Hulyo 21 2010

darth vada



kahapon sa sobrang wala akong magawa.. alam mo na tambay...
nakahilata lang... nanonood.. palipat-lipat ng channel...

tapos nadaan ako sa HBO.

nakita ko si macaulay culkin...

kilala ko lang naman siya dahil sa Home Alone..

eh hindi ko pa siya nakikita sa ibang pelikula, kaya pinanood ko..
kasisimula pa lang din naman...

Photobucket

maganda yung pelikula...
makulit yung kwento...
sobrang nakakatuwa yung mga bata..
pero may part sa movie na maiiyak o maluluha ka...
siguro kahit siga ka pa.. hehe..


hayun natapos yung movie, tapos sumunod yung part 2..
kaya ang tagal kong nakababad sa tv, nakalimutan ko ng magsaing..

paborito ko na tuloy yung movie na to..

-----------------

tapos kinagabihan pagkakain nood ulet ako sa HBO.


hindi ko din alam kung maganda ba yung pelikula,
bago kasi ako manood inaalam ko muna kung maganda..
para di masayang yung dalawang oras ko..

eh sa wala talagang magawa, pinanood ko na din..

maganda din yung pelikula..
ngayun alam ko na kung ano yung Flash of Genius.

tatlong pelikula pinanood ko kahapon sa HBO,
lahat first time ko narinig at napanood..
may mga ganun palang pelikula..

ayos!

Martes, Hulyo 20 2010

HDR

Photobucket


Photobucket

Photobucket

Photobucket

sinubukan ko lang kung kakayanin ko yung HDR (High Dynamic Range) photography..
wala kasi akong magawa sa bahay kaya sumama ako sa trabaho ni butch sa PIER.

masaya ako kasi nakuha yung mga shots na to..

pero mas-masaya ako kasi may nauwi akong hard-hat.. hehe

Lunes, Hulyo 19 2010

kapag natatalo ang ginebra

Photobucket


Kahapon nanood ako ng PBA kasama yung kaklase ko nung High School.

Ginebra laban sa Alaska.

PBA Classic match-up.

down ang ginebra 0-2 sa kanilang best of five series
pero nagawang makahabol ng ginebra at naitabla sa 2-2.

Game 5 na. Do or Die.

Punong-puno ang Araneta, sold-out ang tickets...
Buong laro nakatayo lang kame, pero hindi na namin inintindi yun
sa sobrang higpit ng laban...

Pag nakakagawa ng maganda ang Ginebra, sumisigaw ang buong coliseum..
Kasama ako sa mga sumisigaw...

Ginebra!
Ginebra!
Ginebra!
Ginebra!
Ginebra!

Pero nung malapit nang matapos ang laro.
nawala na ang sigaw ng mga taga-barangay Ginebra.

Namaos?

hindi naman...

Dying seconds at matatalo na ang Ginebra...
Lamang ng Apat na puntos ang Alaska...
Malungkot na ang mga taga-barangay...
Karamihan naglalakad na palabas sa coliseum...

Maglalakad na din sana kame pauwi...

Nang Biglang dumagundong ang buong coliseum...
Tumingin ako sa Scoreboard at lumamang ng isa ang Ginebra..

Isang Himala...

Sigaw na kame ng Sigaw...

Ang mga naglalakad pauwi biglang napabalik...
Ang mga fans ng mga alaska nagtatakip ng tenga sa sobrang ingay..

Ramdam na ang panalo...
Di na magkamayaw sa buong coliseum...

Paso may isang tsansa pa ang alaska...
Bola ng alaska, dalawang beses muntik mawala ang bola sa alaska...
Sa depensang ipinapakita ng Ginebra, buhay na buhay ang mga fans..
Paubos na ang oras, tapos biglang..

Naipasok ng alaska ang bola...
GUMUHO ang mundo ng barangay.

pero may isang tsansa pa ang Ginebra! kaya buhay pa..

5 segundo na lang ang natitira...
pero hindi na kinaya.

OLATS.



It could've been the greatest comeback in the history of Ginebra.


Huwebes, Hulyo 15 2010

Planet Panoramic


Photobucket
UST

Photobucket
field

Photobucket
bungad

Photobucket
fountain

Photobucket
fountain front

Photos by Joseph Baun aka DOTEP
Photographed last Sunday at the University of Sto. Tomas.

Sabado, Hulyo 03 2010

pagdating ng panahon!




hindi pa talaga ako nabibigo ni boyong...

sa kanya ko lang narinig ang kantang to,
may ganito palang kanta ang juan dela cruz band..

astig talaga!

kaya nga nung narinig ko sa kanya ang kanta,
kuha agad ng camera...

pag pinapakinggan ko yung kanta parang nakikinig ako dun
sa radyo ng mag-iitik...

yung radyo na AM station lang ang nasasagap..
yung radyo na may anim na bateryang malalaki...
yung radyo na may picture ni Norah Aunor...