Miyerkules, Agosto 11 2010

rape


Sa mundo,

hindi lahat ng bagay nabibili ng pera,

lalo na kapag bente pesos lang ang pera mo.

Huwebes, Agosto 05 2010

juan miguel felipe y nunez

heto ang pinsan ko na kasama ko dun sa kalabaw trek,

na sobrang kulit!


dotep: o juan mig tumayo ka diyan...

juan miguel: ayaw! ako ang magpicture sayo...

dotep: sige na.. saglit lang.. mamaya ikaw magpicture sakin...

juan miguel: sige na nga...

Photobucket

Linggo, Agosto 01 2010

kalabaw trek

nag-alarm ako ng 6am kanina..
pupunta kasi kame dun sa bukid ng tropa ko na
medyo may kalapitan na sa bulubundukin..

tumunog yung alarm, pero pinatay ko ulit..
nagising ako alas-otso na..
kaya atrasado sa lakad..

pero natuloy pa rin naman kame..
naki-angkas lang ako sa tropa ko sa motor niya..
bale anim kameng nagpunta...

yung biyahe matagtag, kasi liblib na liblib yung lugar...
may mga napuntahan na kong mga barrio dati pero hindi
kasing layu nung pinuntahan namen kanina...

tirik na tirik ang araw, alam niyo naman dito sa isabela,
isa sa pinakamainit na lugar sa Pinas..

lahat ng kasama ko naka-jacket pa nga eh.. ako lang ang hindi
kaya ayun tuloy, sunog na sunog ako...
pero ayos lang, kasi solb ako sa mga kinuha kong letrato..
hindi ko nga lang ma-upload pa kasi mabagal ang internet...

kinunan ko yung bundok, kalabaw, putik, aso, lumang traktor atibapa..
astig yung pinuntahan namin...
NPA na nga lang yata ang kulang dun..

bago nga pala kame umalis, lugaw lang ang kinain ko..
kaya gutom na gutom ako nung nandun na kame..

ang layo ng nilakad ko kanina para lang kumuha ng mga retrato..
ang lalim ng putik, ang tinik ng daan..
kailangan kong tanggalin ang tsinelas ko kasi masisira kapag
inilakad ko sa putik.. kaya tiniis ko na lang tung tinik...

at sa paglalakad sa maputik na daan, nadulas ako...
yung camera tinaas ko agad.. di baleng maputikan buong katawan ko
wag lang yung camera kasi nga mahal eh..

nung natapos ko nang kunan yung mga dapat kung kunan bumalik kame sa kubo..
dun niluluto na yung adobong pato..

akala ko nga kakain na kame, pero hindi pa pala..
meron palang dalang alak ang mga kasama ko..

kaya naman tanghaling tapat, umiinom kame ng gin..
natapos kameng uminom... pampagana ba...

at yun.. kain, tsibog.. sarap!
naka-tatlong plato ako kanina..

yung sigarilyong dala namin naubos..
walang choice.. walang marlboro lights dun
kaya pinatos na namin yung champion...

lumipas ang oras.. bumaba yung kinain namin
kaya umuwi na din kame...
pagdating sa bahay ligo..
nakailang timba din ako sa sobrang putik...

tapos natulog..

sarap!